Home NATIONWIDE Remarriage, gay Catholics posibleng talakayin sa miting ni Pope Leo, mga Obispo...

Remarriage, gay Catholics posibleng talakayin sa miting ni Pope Leo, mga Obispo sa Vatican

1
0

VATICAN – Hinimok ni Pope Leo ang nasa 150 obispo mula sa iba’t ibang panig ng mundo na humanap ng “panibagong paraan” ng pagtulong sa modernong pamilya sa pagsisimula ng isang linggong pagpupulong sa Vatican, na siyang pinakamalaking pagtitipon ng mga lider ng Simbahan sa kanyang pamumuno.

Ang asembliya, na hanggang Oktubre 14 para talakayin ang aral ng Simbahang Katoliko tungkol sa buhay pamilya, ay inaasahang tatalakay rin sa mga kontrobersyal na paksa tulad ng pakikitungo ng Simbahan sa mga miyembrong LGBT at sa mga diborsyado at muling nag-asawa, bagama’t hindi pormal na nakalagay sa agenda ang mga isyung ito.

Tinawag ng Santo Papa ang pagtitipon, na dinaluhan ng mga presidente ng Catholic bishops conferences sa buong mundo, upang gunitain ang ika-10 anibersaryo ng makasaysayang dokumento noong 2016 na isinulat ng kanyang hinalinhan na si Pope Francis.

Hindi partikular na binanggit ni Leo ang isyu sa kanyang pahayag nitong Miyerkules ngunit sinabi niyang dapat kilalanin ng Simbahan “ang gawa ng biyaya kahit sa mga sitwasyong may hangganan, sugat at tila kabiguan.”

Lumahok sa asembliya ang mga obispo mula sa mahigit 115 bansa, kabilang ang dalawa mula sa China, na nakipagkasundo sa isang kontrobersyal na kasunduan noong 2018 kay Francis na nagpa-normalize sa pagtatalaga ng mga obispong Katoliko sa bansa matapos ang ilang dekadang tensyon.

Kabilang din sa lumahok ang 11 lay Catholic couples na inaasahang magbibigay ng patotoo tungkol sa kanilang buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here