Home HOME BANNER STORY Pagbabawal sa menor de edad sa social media, aprub na sa Senado

Pagbabawal sa menor de edad sa social media, aprub na sa Senado

5
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado nitong Huwebes, Oktubre 8, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na maghihigpit sa paggamit ng social media ng mga batang wala pang 18 taong gulang.

Sa botong 16-1-0, pinasa ng mataas na kapulungan ang Senate Bill No. 2424 o ang Child Online Safety and Protection Act.

Isinulong ito ng Senado upang protektahan ang mga bata mula sa pisikal, mental, social, at emosyonal na pinsala na maaaring idulot ng paggamit ng social media platforms.

Ilan sa nilalaman ng panukala:

· Bawal sa mga bata – Kapag naging batas, hindi na papayagang mag-register, mag-access, gumamit, mag-maintain, mag-operate, o gumawa ng account ang mga edad 18 pababa sa anumang age-restricted social media platform.

· Responsibilidad ng platforms – Kailangan sumunod ang mga international social media platforms na tumatakbo sa Pilipinas. Dapat silang magtalaga ng representative sa bansa at makipagtulungan sa mga awtoridad ng Pilipinas sa pagpapatupad ng batas.

· Parusa sa mga violator – Ang mga high-risk digital service na lalabag ay maaaring pagmultahin ng P5 milyon hanggang P20 milyon sa bawat paglabag.

· Ang mga magulang o guardian na lalabag naman ay maaaring pagmultahin ng P5,000 hanggang P20,000 o pag-utusang mag-community service. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here