Home NATIONWIDE Remittances mula sa overseas Filipinos pumalo sa record na $3.5B noong Disyembre

Remittances mula sa overseas Filipinos pumalo sa record na $3.5B noong Disyembre

172
0

MANILA, Philippines – Umabot sa record-high na 35.63 bilyong USD ang cash remittances ng Overseas Filipinos noong 2025, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang halagang ito ay mas mataas ng 3.3% kumpara sa 34.49 bilyong USD noong 2024.

Ayon sa BSP, ang malaking halaga ng remittances ay dulot ng record-high na padalang pera noong Disyembre 2025 na umabot sa 3.52 bilyong USD.

Ang kabuuang cash remittances noong 2025 ay katumbas ng 7.3% ng Gross Domestic Product (GDP).

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos bilang pangunahing pinagmumulan ng cash remittances, kasunod ang Singapore at Saudi Arabia.

Samantala, ang personal remittances, na kinabibilangan ng padalang pera sa bangko, iba pang paraan, at mga in-kind na padala, ay umabot sa 39.62 bilyong USD mula sa 38.34 bilyong USD noong 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here