Home ENTERTAINMENT Rendon sa MTRCB chair: Tatay mo o kapakanan ng bayan?

Rendon sa MTRCB chair: Tatay mo o kapakanan ng bayan?

Manila, Philippines- Si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto naman ang kinalampag ng social media personality na si Rendon Labador kaugnay ng ginawang paghalik ng ama nitong si dating Senator Tito Sotto sa asawang si Helen Gamboa sa national TV.

Pinalagan ni Rendon ang umano’y pagsibasib ni Tito kay Helen sa 44th anniversary epeisode ng E.A.T. nitong July 29.

Rendon took to his Facebook his challenge to the couple’s daughter.

Ito’y makaraang pinasalamatan niya ang nasabing ahensya for taking appropriate action against It’s Showtime hosts Vice Ganda and Ion Perez.

Tanong ni Rendon sa FB, puro na lang daw ba kabastusan ang napapanood sa national TV?

Hindi pa raw siya tapos sa kaso ni Vice Ganda, “Tapos eto na naman?!”

Aniya pa, walang masama sa paghalik bilang pagpapakita ng pagmamahal, pero naninindigan siyang may tamang lugar para rito.

Rendon went as far as saying that he’s fixing the nation na sinisira naman ng ilang tao.

Tinatawagan niya tuloy ang pansin ni MTRCB Chair Lala sabay pinamili pa ito: “Tatay mo o kapakanan ng bayan?”

Sa comment section, mapapansing halos lahat ay kontra kay Rendon.

Ayon sa mga netizens, si Rendon daw ang dapat umayos ng kanyang buhay.

Wala raw kasi itong ginawa kundi pumuna ng mga pagkakamali ng ilang personalidad.

‘Di pa nakuntento, maging sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon ay idinamay rin ni Rendon.

Akala raw kasi ng trio na TVJ ay wholesome sila gayong kabaligtaran ito sa inaasal nila sa TV.

Sa tanggapin man o hindi ni Rendon ay iisa lang ang obserbasyon ng mga kababayan natin sa kanya: KSP! Ronnie Carrasco III