Home ENTERTAINMENT Heart, umiskor ng fishball, umabot sa P350 bawat isa!

Heart, umiskor ng fishball, umabot sa P350 bawat isa!

Manila, Philippines- As of this writing, Heart Evangelista is enjoying her stay in Sorsogon, her husband Senator Chiz Escudero’s home province.

Pagkakataon na rin kasi ito ni Heart to endear herself to Chiz’s provincemates.

At sabi nga: “When you’re in Rome, do as the Romans do.”

Hanggang Sorsogon nga umabot ang “pagkaadik” ni Heart sa streetfood.

Except for isaw and betamax, all-time favorite ni Heart ay ang mamisong fishballs.

Back in Manila, dinarayo pa nga ni Heart ang mga likely streets kung saan dumaraan ang mga kariton ng streetfood.

In hèr latest post on social media, makikitang may hawak na dalawang basong plastik si Heart na naglalaman ng fishballs.

May caption ang larawan na: “Tusok tusok the fishbaĺls!”

With Heart ay si Chiz na may hawak ding baso ng fishballs at ang kanyang kapatid.

Take note, wapakels si Heart even if she was clad in Dior.

Nagkabiruan nga ang mga Instagram followers ni Heart.

Anila, ang dati raw mamisong fishball kada isang piraso’y pumapalo na ng P350!

Kasi raw ay Dior ang brand nito.

Pinuri naman si Heart ng isang designer dahil sa kanyang fishball moment.

Anito, malaking tulong daw ito sa mga street vendors seeing Heart as a legitimate streetfood patron.

Samantala, mistula namang naging fans’ day ang panonood ni Heart ng pelikulang Barbie na showing ngayon sa Sorsogon.

As expected, Heart got mobbed by theatregoers na magiliw naman niyang hinarap. Ronnie Carrasco III