Home ENTERTAINMENT Angelica, may emote sa mga ‘ferson’ na ‘di nakakaalala!

Angelica, may emote sa mga ‘ferson’ na ‘di nakakaalala!

Manila, Philippines- Angelica Panganiban is one celebrity who speaks her mind no matter who gets hurt in the process.

Pero sa kanyang latest Instagram post, idinaan ng aktres ang kanyang hanash in the form of a sweeping statement.

Cryptic post, if you may say.

Emote ni Angelica, “Until now hindi pa rin ako madalas kumustahin ng mga ‘fersons.’ All they want is to see my baby.”

Dagdag niya, hindi man lang daw siya tine-text para kumustahin man lang ang kanyang hip injury.

“At kung may postpartum blues pa ba ako,” she hastened to add.

Ang siste, si Angelica na rin ang naghimasmas sa kanyang sarili.

Consoling herself, she posted: “Pero nasanay na ako.”

All along ay inakala ng netizens that the actress has found a cure to her problem with her thoughtless friends na tinawag nga niyang “fersons.”

Ang sumunod kasing linya ng post niya ay: “Walang gulatan pag lumalayo ang loob ko, ha?”

Because her hanash was said “the blind item way” ay kanya-kanyang hula ang mga netizens kung sino ang pinatutungkulan ni Angelica.

Pero one thing’s for sure, wala sa mga close showbiz friends niyang sina Bela Padilla at Kim Chiu ang hanash niyang ‘yon.

Their trio is collectively called AngBeKi.

Sey naman ng iba, tiyak na nasa postpartum period pa si Angelica.

Or it can also be interpreted as pre-wedding jitters.

As already reported, sa Siargao island ang napiling venue ng kasal ni Angelica at ng kanyang businessman fiancè na si Gregg Homan.

Eh, sino nga ba kasi ang mga “fersons” na kasamaan mo ng loob, Angelica? Ronnie Carrasco III