Home ENTERTAINMENT Jaclyn, na-senti sa video ng single mom!

Jaclyn, na-senti sa video ng single mom!

Manila, Philippines- What does it feel like to be a single parent na wala sa poder ang mga anak?

Isn’t it a lonely life?

Marami ang naka-relate, including Jaclyn herself, sa short video na ipinost niya sa Instagram just recently.

The video shows a mother in her mid-life na nag-e-emote for being an empty nester.

Ang tinatawag  na empty nester ay isang magulang whose children choose to live separate lives, thus leaving either parent behind: all alone.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nasa pareho ring kalagayan ang award-winning actress.

Jaclyn mothers two kids: si Andi Eigenmann by the late actor Mark Gil na piniling mamuhay kasama ng kanyang nobyo na si Philmar Alipayo with their kids in Siargao.

Jaclyn also has Gwen Guck na anak niya sa dating miyembro ng bandang The Dawn na si Kenneth Ilagan.

Nasa Amerika naman si Gwen para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Which leaves Jaclyn all by herself: an empty nester.

Matatandaang very vocal si Jaclyn sa kanyang mga past interviews sa paglalahad ng kanyang mga struggles bilang isang magulang na hindi kasama ang kanyang mga anak.

In the short video Jaclyn posted herself, may mga hanash din ang middle-aged mother who had been with her kids for 20 years.

Pero ngayon nga’y nag-iisang namumuhay sa isang tahimik na kapaligiran.

It’s one powerful, heart-rending video solo empty nesters can generally relate to.

If it’s any consolation, buti na lang at hindi nababakante ng trabaho si Jaclyn.

She gets movie assignments one after another para malibang siya kahit paano.

Kung tutuusin, Jaclyn isn’t the selfish-type of a parent.

Hinahayaan lang niya kasi ang kanyang mga anak na gawin ang mga bagay which make them happy.

‘Yun nga lang, what a lonely life Jaclyn has. Ronnie Carrasco III