MANILA, Philippines- Matinding kinalampag ni Senador Win Gatchalian ang North Luzon Expressway (NLEX) na bilisin ang pagkukumpuni sa nasirang Marilao Interchange Bridge na nagresulta ng mabagal na daloy ng trapiko sa lugar.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na walang dahilan kung bakit kailangan pang tumagal ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pagkukumpuni sa tulay.
Binanggit ni Gatchalian na papalapit na ang Mahal na Araw kaya kailangan nang madaliin ang pagkukumpuni upang maiwasan ang inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa NLEX na mahalagang daan patungo at palabas ng Central Luzon tungo sa Metro Manila at katimugan.
“For several days now, the damaged bridge in Marilao Interchange has been causing horrendous vehicular traffic along NLEX, especially during peak hours, leading to significant travel delays for many travelers,” aniya.
“With Holy Week rapidly approaching, it is crucial that all expressway routes are promptly and thoroughly addressed to ensure a smooth, hassle-free journey for our kababayans who will be traveling for the holiday,” giit ng senador.
Naunang hiniling ng Department of Transportation sa NLEX na huwag munnag maningil ng toll fees habang isinasagawa ang pagkukumpuni na magreresulta ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.
“Wala dapat babayaran ang mga kababayan natin habang ginagawa nila ito at habang one and a half hours ang nakabinbin dyan. They owe it to the public na huwag muna silang maniningil for that segment lang na tinamaan,” ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon.
Inatasan din ni Dizon ang NLEC management na magdagdag ng lanes upang mapabilis ang daloy ng trapiko. Ernie Reyes