Home ENTERTAINMENT Ynez, tanggap na pumangit sa retoke!

Ynez, tanggap na pumangit sa retoke!

Manila, Philippines- Totoo nga ang kasabihang “Nasa huli ang pagsisisi.”

Nasa ganitong kalagayan nga si Ynez Veneracion.

Sa vlog interview sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni Ynez na of late ay paborito siyang i-bash ng mga netizens.

Ito’y dahil na rin sa kanyang hitsura–resulta ng pagpaparetoke niya.

Hindi nga nangiming aminin ni Ynez na hindi na-achieve ang look na gusto niya.

Sa halip daw kasi na gumanda siya’y pumangit pa siya sa paningin ng tao.

Sising-sisi man daw siya’y wala na siyang magagawa.

Kaya tinatanggap na rin niya ang inaabot na pamba-bash mula sa mga netizens.

“Sino ba kasi ang hindi?” buwelta niya kay Ogie, na ang ibig niyang sabihin ay sino raw ba sa mga artista ang hindi dumaan sa enhancement.

Save for the bashing, if there’s one good thing that came out of it ay ‘yun ang pagkakaroon ng showbiz work.

Kabilang si Ynez sa cast ng Mga Batang Riles.

Her showbiz comeback means na walang lovelife ngayon ang aktres.

Looking back, marami ang nanghinayang na hindi sila ang nagkatuluyan ng matagal na niyang partner na si Mon Confiado.

Ipinaalala pa ni Ynez ‘yung time na pinag-agawan nila noon ni Juliana Palermo si Mon. Ronnie Carrasco III