MANILA, Philippines- Nag-inspeksyon si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa mga pasilidad ng transportation sa isla ng Siargao noong Marso 22.
Kasama ni Secretary Dizon sa pagbisita ang mga mahahalagang opisyales ng kagawaran kabilang sina Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, Undersecretary Atty. Giovanni Lopez, Undersecretary Capt. Jim Sydiongco, Deputy Director General Atty. Danjun Lucas, Assistant Secretary Michelle De Vera, Chief of Staff Allan Yap, at Director Zhane Ramos-Liwanag.
Magsasagawa ng masusing pagsusuri ang delegasyon sa Jubang Cruise Ship Port na matatagpuan sa Barangay Jubang, Dapa, Siargao Islands.
Bukod dito, sinuri rin nila ang kasalukuyang kalagayan ng airport facilities sa isla, na mahalaga para sa patuloy na pag-unlad ng turismo sa rehiyon.
Ang pagbisita sa Siargao ay nagmarka ng huling bahagi ng kanilang malawakang inspeksyon sa iba’t ibang imprastraktura ng transportasyon sa Mindanao. Bago ito, naisagawa na rin ng grupo ang mga inspeksyon sa Tigtabon Community Port sa Tigtabon Island, Zamboanga City, gayundin sa Benoni Port at Balbagon Port sa Camiguin Island. Jocelyn Tabangcura- Domenden