Home NATIONWIDE Replacement ship sa pagpapatrolya sa Escoda Shoal, papunta na – PCG

Replacement ship sa pagpapatrolya sa Escoda Shoal, papunta na – PCG

102
0

MANILA, Philippines – Nagpadala na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng barko na papalit sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal ng West Philippine Sea.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, kinailangan lang muna nitong dumaong saglit dahil sa masamang panahon.

“The weather is not good right now,” ani Año sa isang ambush interview.

“Actually, our Coast Guard has already sent [a boat], but because of the weather, it needs to [seek] shelter first,” dagdag pa.

Matatandaan na matapos ang mahigit limang buwan ay tuluyan nang nilisan ng BRP Teresa Magbanua ang Escoda Shoal at dumating sa Puerto Princes, Palawan noong Linggo.

“We will always make sure our presence and access to Sabina Shoal will be continuous,” sinabi ni Año.

Ang Escoda Shoal ang nagsisilbing rendezvous point para sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply missions patungo sa naval outpost sa Ayungin Shoal, kung saan naman matatagpuan ang naval outpost na BRP Sierra Madre.

Ayon sa Chinese state publication na Global Times, ang BRP Teresa Magbanua umano ay “semi-grounded” sa shoal, na katulad umano ng ginawa ng bansa sa BRP Sierra Madre. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here