Home HOME BANNER STORY Banggaan ng dalawang sasakyan sa Pasay, nauwi sa barilan

Banggaan ng dalawang sasakyan sa Pasay, nauwi sa barilan

197
0

MANILA, Philippines – Naganap ang isang insidente barilan matapos magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Pasay City, madaling araw ng Sabado, Setyembre 21.

Ang insidente ay nangyari sa panulukan ng Sen. Gil Puyat Avenue at Roxas Boulevard sangkot ang isang BMW at isang Honda sedan.

Nasira ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan.

“Based on our initial investigation, so na-ano namin na during our assessment na ito ay kaso ng road rage,” pahayag ni Police Colonel Samuel Pabonita, Pasay City Police chief, sa panayam ng DZBB.

“Nagkaroon ng palitan ng putok,” dagdag pa niya.

“Tamang tama naman at noong pangyayari noon may nagroronda. Nagpapatrol ang ating kapulisan kaya nakapagresponde kaagad itong ating kapulisan.”

Ayon sa Pasay Police, foreign nationals ang mga sangkot sa road rage at inaalam pa nila kung Chinese ang mga ito.

Ani Pabonita, ang tatlong mga indibidwal ay inilagay na sa kustodiya ng pulisya.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here