Home NATIONWIDE Retired foreigner unli-stay sa PH sa halagang P1.5M; senador pumalag

Retired foreigner unli-stay sa PH sa halagang P1.5M; senador pumalag

149
0

Dismayado si Senador Loren Legarda sa regulasyon ng Philippine Retirement Authority (PRA) na papayagan ang sinumang retiradong dayuhan na mananirahan sa Pilipinas nang legal hanggang gusto nila kapalit g $20,000 bayad.

Sinabi ni Legarda sa ginanap na pagdinig ng Senate sub-committee on finance na kaya maraming puganteng dayuhan ang nakakalusot sa bansa dahil sinasamantala ang murang bayad at samantalahin ang ligtas na lugar sa bansa sa kanilang “pagreretiro.”

Dinidinig ng komite ang P3.3 bilyong badyet ng DOT at attached agencies nito kabilang ang PRA sa susunod na taon.

Ayon kay PRA General Manager and CEO Roberto Zozobrado, na inaako ng ahensiya ang dayuhan na gustong mag-retiro sa bansa ng non-immigrant visas kapalit ng US$20,000 bayad na maaaring ideposito sa accredited banks.

Ipinaliwanag pa niya na kapag tumatanggap lamang ng US$800 hanggang US$1,200, ang dayuhang retirado, kailangan magdeposito sila ng US$10,000.

Tinatanggap umano ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dating Filipino citizen at opisyal ng multinational organizations na kailangan magbayad ngh US$1,500.

“That’s all that they need. It’s a non-immigrant visa that they get and they can stay for as long as they want unless they want to change their status and go back to their countries. The benefit they get is they can enter and exit out of the country,” ani Zozobrado.

Kaya’t ikinatuwiran ni Legarda na kaya dumami ang sindikatong naninirahan sa bansa.

Kinumpirma din ng PRA chief na maaaring maninirahan nang legal ang sinumang dayuhan sa bansa sa halagang P1.5 milyong pesos lamang.

“No wonder. I think this should be reviewed,” ayon kay Legarda saka sinabing masyadong mura ang halaga na dapat baguhin.

Kasalukuyang sinusuri ng ahensiya kung paano itataas ang bayad.

Base sa datos, mahigit 58,000 dayuhan ang naniinirahan sa bansa simula pa noong 1997 hanggaang ngayon na karamihan mula sa China at South Korea, ayon kay Zozobrado.

Sinabi ni Legarda na kailangan ibalanse ang paghihimok ngforeign retirees at security issues sa pagsasabing:”brought about by foreign nationals who do criminal activities in our country. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here