Home NATIONWIDE 7 Pinay na biktima ng surogacy scam nakauwi na ng Pinas

7 Pinay na biktima ng surogacy scam nakauwi na ng Pinas

103
0

Maglalaan ang gobyerno ng legal assistance sa mga Filipino na biktima ng trafficking sa Cambodia.

Sa ginanap na 2nd regional meeting ng Southeast Asia National Anti-Trafficking Committee, inihayag ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na sa 20 Pinay na nailigtas ng Cambodian authorities, ang pito ay makakabalik na sa Pilipinas habang ang 13 na nabuntis ay maaring masampahan ng kaso dahil labag sa Cambodia ang surrogacy.

Ang surrogacy ay uri ng pagbubuntis na nangyayari kapag ang isang babae ang nagdadala at magsisilang ng isang bata para sa ibang tao o mag-asawa na walang kakayahang magkaroon ng sarili nilang anak.

Sinabi ni Ty na nasa mabuting kondisyon ang mga Filipino na nasa Cambodia at pito rito ay maari nang umuwi dahil hindi nabuntis.

“So, alam ko ngayon ay nasa proseso na sila na mag-engage ng abogado na mag-represent sa mga Filipinas na ito sa kasong maari nilang harapin,” ani Ty.

Aniya, hiniling na ng Philippine embassy sa Cambodian government na huwag tratuhin na kriminal ang mga filipina na biktima ng trafficking.

Gayunman, naniniwala si Ty na sensitibong usapin ito at dapat ikonsidera ang pananaw ng naturang bansa.

Mismong ang Cambodian officialsang nagkumpirma rin na bukod sa mga filipinos ay nagiging biktima rin ang mga babaenmula Vietnam.

Samantala, sinabi ng DOJ na ang patuloy na diyalogo hinggil sa human trafficking ay nagresulta sa mas malakas na ugnayan ng mga bansa upang labanan ang human trafficking.

Lumahok sa pulong ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Myanmar, Laos, Thailand at Vietnam. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here