Home NATIONWIDE Revilla, naghihintay ng desisyon ng Sandiganbayan sa petisyon para sa pagpiyansa

Revilla, naghihintay ng desisyon ng Sandiganbayan sa petisyon para sa pagpiyansa

53
0

MANILA, Philippines – Naghihintay pa ang kampo ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa desisyon ng Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kanyang petisyon para sa piyansa sa kasong malversation.

Inaasahang ilalabas ang resolusyon noong Mayo 6, ngunit ayon sa kanyang abogado na si Reody Anthony Balisi, wala pang abiso kung kailan ito ilalabas.

“We just have to wait. We don’t know if it will come out today or tomorrow,” ani Balisi.

“We hope for the best. We just pray, and we just wait,” dagdag niya.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y ₱92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa Sandiganbayan, maaaring mailabas ang desisyon sa loob ng 30 araw mula sa simula ng bail hearings na isinagawa mula Abril 6 hanggang Abril 24.

“It’s the court’s discretion so we cannot question that, so again, hintay lang,” ani Balisi.

Iginiit din ng kampo ni Revilla na walang ugnayan ang dating senador sa alegasyon, batay sa testimonya ni Sally Santos ng SYMS Construction.

Nauna nang nakapagpiyansa si Revilla ng ₱90,000 noong Enero para sa hiwalay na kasong graft, ngunit nananatili siyang nakakulong sa Quezon City Jail habang hinihintay ang desisyon sa kanyang bail petition sa kasong malversation. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here