Home NATIONWIDE Lahat ng pinuno ng mga bansa maliban sa Myanmar, inaasahang dadalo sa...

Lahat ng pinuno ng mga bansa maliban sa Myanmar, inaasahang dadalo sa ASEAN 2026

61
0

CEBU, Philippines – Inaasahang dadalo ang lahat ng pinuno ng mga bansa sa Southeast Asia sa 48th Leaders’ Summit ng ASEAN sa Biyernes, maliban sa Myanmar.

Ayon kay DFA ASEAN spokesperson Dominic Xavier Imperial, ang Myanmar ay kakatawanin lamang ng Permanent Secretary ng kanilang Ministry of Foreign Affairs, alinsunod sa naunang desisyon ng mga lider ng ASEAN dahil sa sitwasyon sa bansa.

“We are guided by the leader’s decision… the representation of Myanmar stands,” ani Imperial.

Dagdag niya, wala pang nagkakaisang desisyon ang ASEAN sa pagkilala sa eleksyon sa Myanmar na nagluklok kay Min Aung Hlaing bilang pangulo matapos mapatalsik ang gobyernong sibilyan ni Aung San Suu Kyi.

Patuloy ding sinusunod ng ASEAN ang Five-Point Consensus bilang gabay sa pagresolba ng krisis sa Myanmar, na nananawagan ng pagtigil ng karahasan at pagbibigay ng tulong sa mga apektado.

Tatalakayin din sa summit ang usapin ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea, ngunit walang inaasahang pinal na kasunduan sa ngayon.

Sinabi ng DFA na positibo ang Pilipinas sa progreso ng negosasyon at target na maisulong ang isang kasunduan bago matapos ang 2026, kasabay ng mas madalas na pagpupulong ng ASEAN at China.

Nauna nang nanawagan si Ferdinand Marcos Jr. sa mga lider ng ASEAN na pabilisin ang pagbuo ng isang legally binding agreement sa isyu. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here