Home NATIONWIDE Revisionist interpretation ibinabala ni Tolentino sa WPS

Revisionist interpretation ibinabala ni Tolentino sa WPS

1
0

MANILA, Philippines – Binalaan ni Labor Secretary Francis Tolentino, na kilalang tagapagtanggol ng soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS), nitong Biyernes, Hulyo 10 ang mga “revisionist na interpretasyon” matapos niyang tanggihan ang pag-aangkin ng mga Chinese academic sa Batanes.

Kasalungat ang pahayag ni Tolentino sa sinabi ng mga Chinese academic na kabilang sa China sa pamamagitan ng Taiwan ang Batanes.

Ayon sa ulat ng Jinan University na inilabas ng Guangdong-based na news outlet na Newsgf, inilarawan ng mga kalahok sa isang symposium noong nakaraang buwan ang Islas ng Batanes bilang “natural na extension ng heograpiya ng Taiwan” at iginiit na pag-aari ng China ang soberanya sa mga isla.

Pinagtibay ni Tolentino na bahagi ng Pilipinas ang Batanes.

Aniya, ang ganitong mga pag-aangkin ay nauuna sa mga taktika ng destabilisasyon.

Binigyang-diin din niya na “hindi napagpapasyahan ang soberanya sa loob ng conference room.”

Tukoy ni Tolentino ang 1935 Constitution na nagtakda ng hilagang hangganan ng Batanes sa 21° 25’ North, na naka-base sa 1898 Treaty of Paris, 1900 Treaty of Washington, at 1930s US-UK Convention.

Binanggit din niya na pormal na isinama ng Spain ang mga isla sa Philippine Archipelago noong 1783 sa ilalim ni Governor-General José Basco y Vargas.

Ang dating senador ang punong may-akda ng Republic Act (RA) No. 12604 o Philippine Maritime Zones Act at RA 12065 o Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

Layunin ng RA 12064 na ideklarang maritime zones ng bansa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea, habang pinupunan ng RA 12065 ang nasabing batas para matiyak ang proteksyon sa soberanya at maritime domain ng bansa.

Mas nauna nang ipinagbawal ng pamahalaang Chinese si Tolentino na pumasok sa mainland China, Macao, at Hong Kong dahil sa kanyang paninindigan sa mga isyung may kinalaman sa China, lalo na sa WPS. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here