Home ENTERTAINMENT Rhian, ‘mataba’ na ang utak sa usaping lag-ibig!

Rhian, ‘mataba’ na ang utak sa usaping lag-ibig!

Manila, Philippines – May paniniwala ang bida ng “Huwag Mo ‘Kong Iwan” na si Rhian Ramos na hindi dapat maging kumplikado ang pag-ibig.

Para sa kanya, tulad ng kanyang karakter sa obra ni Direk Joel Lamangan, ang mga pangyayari lang daw sa buhay ang dahilan kaya nagiging kumplikado minsan ang magmahal.

Gayunpaman, may paniwala rin daw siya na may pagkakataong kailangang ipaglaban ang pag-ibig at may mga panahong kailangang isuko ito o magparaya.

Hirit pa niya, ang pagpaparaya raw ay isa ring uri ng pagpapakita ng pagmamahal.

Sa kaso raw niya, nagpapasalamat daw siya dahil hindi kumplikado kundi exciting ang kanyang lovelife.

“I don’t think that love should be complicated at all. It should all be easy and as natural.

“For me, kanya-kanya naman tayo. I’m talking about myself.

“Of course, exciting din. In fairness, hindi naman ako na-bore sa current status ko,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, siya raw iyong uri ng taong very transparent din kapag na-in love.

Ayaw din daw niyang magpaasa sa sinumang nagpaparamdam sa kanya lalo na’t kung wala naman itong maaasahan sa kanya.

“I believe that if you get that feeling from someone else, to be fair, you should stop wasting the time of whoever is wasting his time,” hirit niya.

Speaking of her boyfriend, all out daw ang ibinibigay na support niya sa boyfriend na si Sam Verzosa na kumakandidato bilang alkalde ng Maynila dahil naniniwala siya sa adbokasya nito.

Sey pa niya, dahil paminsan-minsan daw ay nakakasama siya sa kampanya nito ay mas nabubuksan daw ang mga mata niya sa mundo nito.

Nang matanong naman kung inihahanda na niya ang sarili na maging first lady ng Maynila, wala raw ito sa kanyang hinagap, ayon sa Kapuso actress.

“Kung mangyari man, I will be happy about it. Not for myself, not because it’s my dream, kasi never ko naman siya naging dream,” saad niya. “And kahit hindi naman ako ano… ayoko naman sumali sa anything political, I believe that Sam is really doing it for the right reasons and that he wants to make a really big and good difference. That’s why I will be happy,” paliwanag niya.

Si Rhian ay gumaganap bilang Lara, isang babaeng napapagitna sa pag-ibig ng dalawang tao: ang kanyang childhood sweetheart at ang abogadong tumulong sa kanya sa panahon ng kanyang paghihirap.

Tampok din sa pelikula ang dalawa niyang leading men na sina JC de Vera at Tom Rodriguez.

Mula sa produksyon ng Bentria Productions ni Engr. Benjamin Austria at sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan, kasama rin sa powerhouse cast sina Pinky Amador, Rita Avila, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Lloyd Samartino, Nella Dizon, Simon Ibarra, Tanya Gomez, Marcus Madrigal, Panteen Palanca, Mygz Molino, Felixia Crysten, at King David Arce.

Ang pinakaaabangang family drama ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa bansa. Archie Liao