MANILA, Philippines- Nakatakdang isagawa ng University of Santo Tomas (UST) ang taunan nitong Paskuhan concert sa loob ng Manila campus nito sa Disyembre 20, 2024 (Biyernes).
Eksklusibo ang Paskuhan festivities ngayong taon, na may temang “Ever Thankful, Ever Hopeful,” sa Thomasians, ani UST Secretary General Fr. Louie Coronel, O.P.
Inanunsyo ito sa info session nitong Miyerkules, ayon sa student publication ng paaralan na ‘The Varsitarian.’
“UST students and alumni must present their IDs and alumni cards, respectively, to be permitted entry to Paskuhan events, including the grand concert,” saad sa anunsyo.
“No ticketing system will be implemented,” dagdag pa.
Hindi na pinapayagan ng unibersidad ang outsiders na dumalo sa Paskuhan festivities mula 2022.
Sisindihan ang Christmas lights at mga dekorasyon sa loob ng campus sa Nobyembre 29 ng alas-6 ng hapon.
Nakatakda naman ang Paskuhan Mass at Agape, o ang Thomasian Christmas feast, sa Disyembre 13.
Tampok sa taunang UST Paskuhan ang month-long Christmas celebration, kabilang ang mga concert at fireworks para sa buong Thomasian community sa main campus nito sa España, Manila. RNT/SA