Home ENTERTAINMENT Ria at Zanjoe, kasal na sa huwes; church wedding, inaabangan!

Ria at Zanjoe, kasal na sa huwes; church wedding, inaabangan!

Manila, Philippines – Marriage proposal in bed.

Ganito ang scenario kung saan at paano nag-propose si Zanjoe Marudo ng kasal sa kaintahan niyang si Ria Atayde.

Mismong ang kapatid ni Ria na si Gela ay naantig sa kakaibang paraan ng proposal ni Zanjoe.

Base sa kuwento ni Gela, her elder sister woke up much to her surprise.

Finlex ni Ria that very moment ang engagement ring sa kanyang daliri, tanda how happy she was.

Hindi na nga pinatagal pa nina Ria at Zanjoe until they reached the wedding stage.

Balita kasi all over the papers (and yes, makakaligtas ba sa social media?) that the couple were already civilly wed.

As we write this ay weekend naganap ang kanilang pag-iisang-dibdib sa huwes.

Could it have happened at the Quezon City Hall?

Sorry to disappoint the couple’s friends and fans, pero wala pang mga detalyeng inilalabas from either camp.

Sa parte ni Ria, not even her actress-mom Sylvia Sanchez would entertain curious inquiries from their media friends.

Consistent lang si Sylvia dahil noon pa man ay iniiwasan niyang “umepal” pagdating sa personal na aspeto ng buhay ng kanyang mga anak.

Sylvia would rather let Ria do all the telling, kung paanong hindi rin siya nanghimasok sa wedding

preparations noon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Kahit ang maugong na balitang nagdadalantao na si Ria ay “dedma school of acting” ang pinaiiral ng showbiz mom.

To Ria and Zanjoe, kelan ang church wedding? Ronnie Carrasco III

Previous article8 ektaryang damuhan sa Zamboanga nasunog
Next article3 sugatan sa pamamaril sa Legazpi City