Home METRO 3 sugatan sa pamamaril sa Legazpi City

3 sugatan sa pamamaril sa Legazpi City

MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong kalalakihan sa shooting incident sa Legazpi City, Albay nitong Biyernes, Marso 22.

Kinilala ni Brigadier General Andre Perez Dizon, Bicol police chief, ang mga biktima na sina Noel Maravilla, 54; Francis Alejo, 30; at Neleo Armenia, 50, lahat ay pawang basketball referees.

Sa ulat, nag-iinuman sa harap ng tindahan ni Maravilla ang mga biktima nang paulanan sila ng bala ng dalawang hindi pa natukoy na mga suspek sa Barangay Homapon bandang 10:30 ng gabi.

Tumakas ang mga suspek sa kalapit na barangay habang ginagamot sa ospital ang mga biktima.

Ani Dizon, batay sa kanilang imbestigasyon, ang mga biktima na galing sa basketball game, ay hindi ang main target ng pamamaril.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon upang matunton at maaresto ang mga suspek. RNT/JGC

Previous articleRia at Zanjoe, kasal na sa huwes; church wedding, inaabangan!
Next article1M doses ng pertussis vaccine darating sa Hunyo – DOH