Home METRO 8 ektaryang damuhan sa Zamboanga nasunog

8 ektaryang damuhan sa Zamboanga nasunog

MANILA, Philippines – Nasa walong ektarya ng damihan ang natupok ng apoy sa Barangay Tugbungan, Zamboanga City nitong Huwebes, Marso 21.

Ito na ang pinakamalaking grass fire na naitala sa lungsod ngayong taon.

Ayon sa mga imbestigador, nagsimula ang sunog ng tanghali at tumagal ng pitong oras bago ito idineklarang fire under control.

Posibleng may mga bata umanong nagsunog ng basura sa lugar, ngunit iniimbestigahan pa rin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente.

Wala namang nasaktan sa sunog.

Samantala, patay ang 23-anyos na babae nang ma-trap sa nasusunog nitong bahay sa Barangay Malubo, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Hindi na nagawa pang mailigtas ang biktima dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy dahil gawa ito sa light materials.

Mag-isa lamang sa bahay ang biktima nang mangyari ang sunog.

Iniimbestigahan din ang sanhi ng insidente. RNT/JGC

Previous articleTraining officer ng BIFF patay sa engkwentro
Next articleRia at Zanjoe, kasal na sa huwes; church wedding, inaabangan!