Home ENTERTAINMENT Ria Atayde, umaming buntis, wala nang nagulat!

Ria Atayde, umaming buntis, wala nang nagulat!

Manila, Philippines – Bukod-tanging si Jane Oineza ang um-OA at napasigaw pa sa gulat nang ianunsyo ni Ria Atayde nitong Father’s Day na sa wakas ay buntis siya sa asawang si Zanjoe Marudo.

All the rest tulad nina Arci Muñoz, Eula Valdes etc. ay hindi na nabigla.

After all nga naman, noon pa lang naging biglaan ang kasal nina Ria at Zanjoe ay umugong nang may laman na ang tiyan ng aktres.

Despite speculations, nanatiling tahimik lang si Ria.

Maging ang recent Boracay adventure ng mag-asawa kung saan halata na ang baby bump ni Ria, she still wouldn’t issue any statement of confirmation.

Consistent din ang pag-beg off ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na takbuhan ng mga kaibigang reporter sa pagsasabing it’s all up to her daughter to confirm.

Ayaw naman kasing umepal ni Ibyang.

Now that Ria is already an expectant mother, inuurot ngayon ng mga netizens ang hipag nito.

Kelan naman daw kaya iaanunsyo ni Maine Mendoza na buntis na siya kay Arjo Atayde.

Matatandaang nauna pang magpakasal sina Arjo at Maine.

Inip na inip na nga ang biyenan ni Maine na si Art na nagbiro pa nga noong kaarawan ng Eat Bulaga host last March.

Eh, paano nga naman daw magbubuntis ang kanyang manugang kung puro shopping ang inaatupag nito?

Buti pa pala si lbyang, puro shopping din ng mga kagamitan ng apo ang inaatupag! Ronnie Carrasco III