Home ENTERTAINMENT Rico tinawag na mukhang tatay ni Maris, dedma!

Rico tinawag na mukhang tatay ni Maris, dedma!

Manila, Philippines- Sa vlog ni Dra. Vicki Belo, ibinahagi ni Maris Racal ang kuwento ng pag-iibigan nila ng aktor at dating bokalista ng Rivermaya na si Rico Blanco.

Aniya, bata pa raw siya ay fan na siya ng nasabing singer-composer.

Malaki raw kasi ang naging impluwensiya sa kanya ng kanyang mga kapatid na lumaking hinahangaan din ang klase ng musika ng kanyang boyfie.

Hindi nga raw niya akalain na darating ang araw na magiging nobyo niya ito.

“Actually, ‘yung gusto ko ‘yung younger version ni Rico,” aniya.

“Super crush ko talaga siya. Hindi ko naman in-expect na siya ‘yung ibibigay ni Lord, hindi ‘yung younger version,” dugtong niya.

Dagdag pa niya, hindi rin daw niya  makakalimutan ang una nilang pagtatagpo ni Rico.

Nagsimula raw ito noong nag-tweet siya sa X na bet niyang makipag-collab sa isang musikero para ma-improve ang kanyang musical talent.

Ang ginawa raw ng kanyang fans ay inireto siya kay Rico through social media.

“My fans know na idol ko si Rico, so ni-tag nila si Rico, then he replied,” pagbabalik-tanaw niya.

“I was just really eager to play my music in front of him,” pahabol niya.

Mula sa tweet at musical collaboration, doon na raw sila na-develop sa isa’t-isa and the rest is history.

Sa mga nagsasabi namang parang tatay na niya si Rico (50) dahil sa agwat ng edad nila ng “Can’t Buy Me Love” actress (26), keber na lang daw ang sagot niya. Archi Liao

Previous articleWorld tour ng SB19, tuloy na!
Next articleAng Huling Hapunan