Home HOME BANNER STORY Ang Huling Hapunan

Ang Huling Hapunan

Ngayon ay Huwebes Santo, kilala ang araw na ito sa iba’t ibang mga kaganapan sa Bibliya sa mga sandali bago hinatulan ng kamatayan ang ating Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagpapapako sa Kanya sa Krus.

Bago tayo dumako sa pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus, balikan muna natin kung ano-ano nga ba ang mahahalagang kaganapan na maaari nating balikan ngayong Huwebes Santo.

HULING HAPUNAN

Ang Huling Hapunan, o tinatawag na Hapunan ng Panginoon (Lord’s Supper) ay ang huling pagkain ng ating Panginoong Hesus kasalo ang Labindalawang Alagad niya, at iba pang mga disipulo.

Kasabay ito sa pagdiriwang ng Paskuwa, isang espesyal na kaganapan sa mga Judio upang gunitain kung kailan iniligtas ng Diyos ang kanilang mga panganay na anak mula sa kamatayan at sa pang-aalipin ng Ehipto sa kanila. (Exodo 11:1 – 13:16).

Sa Banal na Hapunan, dito sinabi ni Hesus ang mga katagang, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian. Sinasabi ko sa inyo, mula ngayo’y hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa pagdating ng kaharian ng Diyos,” matapos niyang dumampot ng alak.

Kasunod nito ay ang pagdampot naman niya ng tinapay, at sinabing “Ito ang aking katawan [na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Gayundin naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo” (Lukas 22)

PAGHUHUGAS NG PAA NG MGA ALAGAD

Sa panahon din na ito ay hinugasan ni Hesus ang paa ng kanyang mga alagad. Noong una ay tumatanggi pa si Pedro na gawin ito sa kanya ni Hesus, dahil na rin sa kanyang hiya at hindi makapaniwalang gagawin ito sa kanya ng Panginoon.

Sa kabila nito, ang naging tugon ni Hesus “Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.” (Juan 13:8)

Dahil dito, hiniling ni Pedro na kung gayon ay hugasan na rin ni Hesus maging ang kanyang ulo.

PAGKAKANULO NI JUDAS

Sa tagpo ring ito ay ipinagkanulo ni Judas si Hesus katumbas ng 30 pirasong pilak. Inihudyat ni Hesus ang ginawang ito ni Judas sa pamamagitan ng isang halik na naging hudyat naman sa mga Punong Pari na madakip ang Panginoon.

Kung maihahambing sa panahon ngayon, ang ginawa ni Judas na pakikipagsabwatan sa mga Punong Pari ay tila ba “inside job”, at talagang pinaghandaan. RNT/JGC

Previous articleRico tinawag na mukhang tatay ni Maris, dedma!
Next articleSemana Santa: Pagninilay, paglalakbay