Home METRO Rider, bumangga sa kotse, utas

Rider, bumangga sa kotse, utas

6
0

CAVITE, Philippines – Isang motorcycle rider ang namatay makaraang bumangga ito sa likurang bahagi ng isang Toyota Hi-Ace nang abutan ng sasakyan ng una ang huli sa isang u-turn direksiyon sa Tanza, Cavite.

Ayon sa nakalap na report mula sa pulisya,kinilala ang biktimang si alyas Clark. Na nasugod pa sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Nakilala naman ang driver ng Toyota Hiace na may plakang DAU 3769 na si alyas Ernesto.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 Biyernes ng madaling araw nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy Tanauan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya,Minamaneho ng biktima ang kanyang Suzuki Raider na may plakang 842 DJD patungo sa direksiyon ng Naic galing ng Trece Martires habang minamaneho naman ni alyas Ernesto ang kanyang Toyota Hi-Ace na may plakang DAU 3769 nang pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga ng biktima huli.

Base sa CCTV footage, nakaliko na ng pakaliwang direksiyon ang driver ng Toyota Hi-ace bago pa man dumating ang driver ng motorsiklo kaya bumangga ang motorsiklo sa kaliwang bahagi ng Hi-ace. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here