Home METRO Rider sa viral Makati road rage video sumuko na

Rider sa viral Makati road rage video sumuko na

MANILA, Philippines- Sumuko na sa mga awtoridad ang isang motorcycle rider na makikitang pinipigilan ng isang pulis sa viral video sa isang traffic altercation sa Makati City, ayon sa pulisya nitong Biyernes.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) na kusang nagtungo si Angelito Rencio sa mga awtoridad upang bigyang-linaw ang reklamong inihain laban sa kanya at upang tiyakin ang kanyang kaligtasan.

Kasalukuyang nasa kustodiya si Rencio ng Makati City Police Station, base sa SPD.

Sa viral video na kuha nitong August 25, pinipigilang makakilos si Rencio sa corner ng Arnaiz Road at Osmeña Highway sa umano’y road rage incident sa pagitan ni Police Staff Sergeant Marsan Dolipas.

Makikitang may hawak na baril si Dolipas habang pinipigilan si Rencio.

Sinabi umano ni Rencio sa Makati police investigators na isa siyang retired intelligence operative mula sa Armed Forces of the Philippines. Subalit, itinanggi ng Philippine Army na dati nila itong tauhan.

Hiniling din niya na payagan siyang makalabas ng presinto upang kuhanin umano ang mga papeles ng baril na hawak na nakuha sa kanya.

Dalawang Makati police officers ang sinibak sa pwesto sa pagpapalabas kay Rencio sa istasyon.

Naghain si Dolipas ng reklamong usurpation of authority, illegal possession of firearms, at resisting arrest sa Makati Prosecutors Office.

Nitong Huwebes, sinabi ni SPD chief Police Brigadier General Roderick Mariano na mayroong standing warrants si Rencio sa kasong qualified theft, usurpation of authority, at iba pang mga kaso.

“We are verifying if he has already posted bail,” ayon kay Mariano. RNT/SA