MANILA, Philippines– Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes na ang mga kasong kinahaharap ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa ahensya ay naisumite na para sa resolusyon.
Ito ay kasunod ng hindi pagsipot ni Gonzales sa hearing na nakatakda nitong Huwebes, alas-2 ng hapon, ayon kay LTO-National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Hanzley Lim.
Sa halip ay dumalo ang anak ni Gonzales, na isinuko ang driver’s license ng dating pulis kaugnay ng 90-day preventive suspension na ipinataw ng ahensya nitong linggo.
“Mr. Gonzales did not submit an affidavit so we take it as a waiver on his part for us to decide on the matter based on the pieces of evidence we have,” ani Lim.
Nag-isyu ng show cause order (SCO) laban kay Gonzales, na natanggap niya noong August 28, kung saan pinagpapaliwanag siya kung bakit hindi siya dapat parusahan sa apat na violation sa ilalim ng Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code, kabilang ang reckless driving, obstruction of traffic, at improper person to operate a motor vehicle.
Anang LTO-NCR, ang hindi pagsusumite ng notarized affidavit “would be deemed as a waiver to hear and contradict the allegations against the latter.”
“With the absence of the notarized affidavit, these cases were already submitted for resolution and whatever the results, they will be submitted to the office of our LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II, for approval,” pahayag ni Lim.
Nauna nang ipinag-utos ni Mendoza sa LTO-NCR na pabilisin ang resolusyon ng mga kaso, nang hindi nakokompromiso ang karapatan ni Gonzales sa due process.
Ang maximum penalty para sa mga kaso laban kay Gonzales ay permanent revocation ng kanyang driver’s license, according batay sa LTO.
Samantala, tumalima ang registered owner nge KIA Rio sa utos ng LTO na magpaliwanag sa pamamagitan ng notarized affidavit at Deed of Sale na naibenta na ang sasakyan sa anak ni Gonzales, ayon sa ahensya.
Nauna nang nagpadala ng LTO-NCR ng SCO sa registered owner ngKIA Rio para sa mga kasong paglabag sa Section 28 (Reckless Driving) at Section 48 (Improper Person to Operate a Motor Vehicle) ng RA 4136.
Sa viral video, makikitang bumunot ng baril si Gonzales sa altercation matapos bumangga ng bisikleta ng siklista sa sasakyan ng dating pulis.
Inihayag ng Quezon City Police District (QCPD) na naganap ito noong August 8 subalit lumitaw lamang ang viral video ng insidente sa social media noong August 27.
Sumuko naman ang dating pulis sa mga awtoridad noong Linggo ng hapon. RNT/SA