Home NATIONWIDE Rider, utas sa metal railings ng tulay

Rider, utas sa metal railings ng tulay

1
0

ILOCOS SUR-Kamatayan ang sinapit ng 47-anyos na lalaking empleyado ng isang ospital matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal railings ng isang tulay sa Brgy. Bantaoay, San Vicente ng lalawigang ito nitong Linggo ng gabi, Setyembre 6.

Ayon sa San Vicente MPS, ang biktima ay residente ng Sta. Catalina, Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay bumibiyahe papuntang hilagang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, partikular sa paakyat at pakurbang bahagi ng kalsada ay na-overshoot ang driver hanggang sa bumangga ang kanyang motorsiklo sa metal railings ng Urdas Bridge.

Resulta nito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ivang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here