Home ENTERTAINMENT Rita at Archie, maghaharap na sa April 29!

Rita at Archie, maghaharap na sa April 29!

Manila, Philippines – Magsisimula nang gumulong ang paglilitis sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita

Daniela laban kay Archie Alemania.

The Bacoor Municipal Regional Trial Court has scheduled na pre-trial on April 29.

Ito na rin bale ang arraignment kung saan isasalang si Archie.

Mahigpit na bilin ng korte na kailangang sumipot sina Rita at Archie sa araw na ‘yon.

Failure of the accused to show up will result in the forfeiture of his bail bond.

P36k ang binayarang piyansa ni Archie.

Mag-iisyu rin ng bench warrant of arrest should he fail to attend the court proceeding.

Ang ‘di naman pagsipot ni Rita ay maaaring magresulta sa pagkaka-dismiss ng kaso.

Habang sinusulat ito’y no reaction lang si Rita.

Matatandaang nag-ugat ang usaping ito shortly after ng pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa cast and crew ng Widows’ War na umere sa GMA.

Kapwa nasa cast sina Rita at Archie. Ronnie Carrasco III