Home HOME BANNER STORY Rivera kuminang sa 57th MTBA Bowling Open

Rivera kuminang sa 57th MTBA Bowling Open

Mga nagwagi sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling hampionships-Mixed Senior Open Masters sa pangunguna ni champion Biboy Rivera kasama sina MTBA President Benny Antiporda at Secretary Ma. Jesusa Antiporda.

MANILA, Philippines – Namayagpag si Biboy Rivera sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championships-Mixed Senior Open Masters finals matapos umiskor ng 1,869 points para makuha ang korona sa kumpetisyon na ginanap sa Playdium Bowling Center, Quezon City.

Dahil sa panalo, nakatanggap si Rivera, pambato ng Team AMBA, ng napakagandang trophy bukod pa sa cash prize na nagkakahalaga ng tumataginting na P60,000.

Nakuha naman ni Ferdie Co (PTBA-PSB) ang 1st runner up honor matapos umiskor ng 1,828 points. Tumanggap din ito ng napakagandang trophy at P30,000 cash prize.

Naka-podium finish din si Egay Alqueza (SUGBO) sa iskor na 1,810 points at nakuha ang 3rd place na karangalan.

Nag-uwi ito ng P15,000 cash prize kasama ang pinag-aagawang trophy.

Naitakas din ni international bowling player Benshir Layoso (MTBA-Remate) ang 4th place award sa event sa iskor na 1,796. Ibinulsa ni Layoso ang cash prize na P8,000.

Sa iskor na 1,770 nagawa ni Sammy Sy (PSB-Herich) na makuha ang 5th place seat sa event na may premyong P5,000.

Nagwagi rin sina Raoul Miranda, Par Pineda at Jerry Lim ngĀ  6th, 7th, at 8th place ayon sa pagkakasunod-sunod at naisubi ang tig-P4,000 na cash na papremyo.