MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na may mga isasarang kalsada sa lungsod kasabay ng paggunita ng Undas ngayong Miyerkules, Nobyembre 1.
Sa abiso sa Facebook, sinabi ni Mayor Along Malapitan na nagsimula kaninang alas-5 ng umaga ang pagsasara sa mga sumusunod na kalsada:
– Mula Sangandaan Junction hanggang Tugatog boundary patungong Sangandaan Cemetery
– Mula C3 South patungong C3 corner 8th Street papunta sa La Loma Cemetery.
Isasara ang mga nabanggit na kalsada hanggang ala-1 ng madaling araw ng Nobyembre 2.
Nanawagan naman si Malapitan sa publiko na mahigpit na sundin ang umiiral na mga panuntunan lalo na sa pagpunta sa mga sementeryo katulad ng pagbabawal sa pagdadala ng mga patalim, gambling paraphernalia, at sound system. RNT/JGC