Home METRO UPDATE: Mga dumagsa sa Manila North Cemetery halos kalahating milyon na!

UPDATE: Mga dumagsa sa Manila North Cemetery halos kalahating milyon na!

MANILA, Philippines – Halos kalahating milyon na ang mga bumisita sa Manila North Cemetery, batay sa latest update ng Manila Police District (MPD).

As of 11 o’clock ngayong Nobyembre 1, ang crowd estimate sa ngayon sa nasabing sementeryo ay nasa 490,000.

Maaari lamang makapasok hanggang alas-5 ng hapon ang mga bibisita sa sementeryo kaya posibleng aabutin nga ng isang milyon ang maitatalang crowd estimate hindi lamang hanggang bukas kundi sa maghapon ngayong Miyerkules.

Naging mahigpit pa rin ang seguridad sa loob at labas ng MNC habang ang mga bata naman na may kasamang mga magulang ay kailangan munang makapagregister sa inilagay ng help desk upang mabigyan ng kanilang name tag sakaling hindi maiwasan na mahiwalay ang mga bata sa kanilang mga magulang.

May mga bike patrollers din na regular na umiikot sa loob ng sementeryo upang matiyak pa rin ang seguridad ng publiko na lumalabas at pumapasok. Jocelyn Tabangcura-Domenden