Home HOME BANNER STORY PBBM, pamilya bumisita sa puntod ni dating Pangulong Marcos Sr. sa Libingan...

PBBM, pamilya bumisita sa puntod ni dating Pangulong Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani

MANILA, Philippines – NAGPADALA ng bulaklak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa musoleo ng namayapa at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Cory Aquino at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ngayong All Saints’ Day, Nobyembre 1.

Sa kabilang dako, dumating naman sina Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza Marcos at anak na si Simon sa Libingan ng mga Bayani para dumalo sa kanilang misa para sa #Undas2023 ng kanilang pamilya kung saan nakalagak ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kasama rin ng First Family si Senador Imee Marcos, panganay na anak ng matandang Marcos. Kris Jose