Home ENTERTAINMENT Robin at Mariel, na-boo sa Bini concert!

Robin at Mariel, na-boo sa Bini concert!

189
0

Manila, Philippines- May mahalagang aral na dapat matutunan pagdating sa pagdaraos ng malalaking concert.

‘Yun ay iwasan nang i-acknowledge o pasalamatan ang mga artistang nasa audience.

A case in point nga ay sa recent concert ng Bini sa Smart Araneta Coliseum.

Kabilang kasi sa mga nanood ay ang Padilla family.

Naroon si Senator Robin Padilla with wife Mariel Rodriguez.

Ka-join din ang kanilang mga anak na sina Isabella at Gabriella.

Siyempre, the all-female group delivered its pa-thank you acknowledging the presence of the family.

All that Bini did was to read the cue card handed to them.

Ayun, dinig na dinig ang pag-boo ng ilang tao!

Buti na lang, Robin and Mariel’s kids couldn’t figure out kung ano ang ingay na ‘yon.

‘Yung ibang netizens, talagang sumugod pa sa social media account ni Mariel only to tell her:

“Deserve n’yo po ‘yon!”

Ang hindi malinaw–ano naman ang atraso ng Padilla family sa Bini?

So, para maiwasan na lang mangyari uli ito ay dapat mag-isip ng paraan ang mga concert producers. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here