Manila, Philippines – Relate-much ang “It’s Showtime” host na si Amy Perez sa pag-amin ni Ai Ai delas Alas na panloloko sa kanya ng mister na si Gerald Sibayan.
Inamin ni Amy sa ginanap na thanksgiving mediacon ng DWPM Radyo 630 na na-cheat din siya ng una niyang mister, ang dating lead singer ng South Border na si Brix Ferraris.
“Yes,” bulalas ni Amy.
“Usung-uso yan ngayon. Maraming istorya ng cheating ngayon.”
Napakahabang proseso raw ang pinagdaanan ni Amy nu’ng malaman niya na nag-cheat si Brix sa kanya.
Napawalang-bisa ang kasal ni Amy kay Brix and she’s now happily married to Carlo Castillo for ten years.
Umabot din sa ten years ang relasyon nina AiAi at Gerald.
“I know,” diin ni Amy.
“Tinext ko nga siya, ayun nga sinabu ko sa kanya na we’re here for her, I pray for her.
“Si Ai Ai naman kasi napakabait na tao. Napakabuti na tao. Nqpakaganda ng puso.
“So, I pray that one day ay mahanap pa rin niya ang kanyang partner, na the one talaga. Or baka maayos pa rin sila ng asawa niya. Hindi natin masabi.”
Gaya ni AiAi, mas bata rin kay Amy si Carlo.
“Downside ng mas bata ang partner? Uh, depende pa rin ‘yan sa tao. We cannot generalized, eh, actually.
“Kasi, like ako and my husband, 10 years ang gap namin. Mas matanda ako sa kanya ng ten years.
“Wala sa hitsura ‘di ba? O, mukha siyang mas matanda sa akin. Tsaros! Magagalit sa akin ang asawa ko.
“But I think nasa tao ‘yan. Hindi naman natin pwedeng i-generalized na lahat ay ganoon,” sabi pa ni Amy.
Anyway, ang “Ako ‘To Si Tyang Amy” sa DWPM ay may tatlong bahagi. From Monday, Tuesday and Thursday ang public service ng programa
Tuwing Miyerules ang ‘Ano’ng Feels Mo?’ at ‘pag Biyernes ang drama show titled ‘Tyang Amy Presents. Julie Bonifacio