Home NATIONWIDE Robin: Bato nakisakay lang, walang parak na humarang

Robin: Bato nakisakay lang, walang parak na humarang

1
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Robin Padilla na nakisakay lamang sa kanyang sasakyan si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nang umalis ito sa Senado noong Mayo at walang pulis na humarang sa kanila.

“Siya po ay sumakay lang sa aking sasakyan at nakisakay… Wala naman pong humarang sa amin na pulis,” ani Padilla sa press conference sa Senado nitong Miyerkules, Setyembre 16.

Kasama ni Padilla sa press conference ang kanyang legal counsel na si Atty. Henry Balteza.

Nauna nang pinadalhan ng Department of Justice (DOJ) ng subpoena si Padilla kaugnay ng reklamong obstruction of justice na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa umano’y pagtulong niya kay dela Rosa na makalabas ng Senate premises noong Mayo 14.

Inatasan si Padilla na humarap sa DOJ panel of prosecutors sa Setyembre 25 at Oktubre 9 at magsumite ng kanyang counter-affidavit at iba pang supporting documents.

Sinabi naman ng senador na haharapin niya ang reklamo at tutugon sa pamamagitan ng nararapat na legal na proseso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here