ANG daming pupwedeng maganap sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pinas sa susunod na linggo at sa mga susunod na mga buwan.
Ayon sa Department of Energy, kung magpapatuloy umano ang tigil-putukan sa pagitan ng United States at Iran, maaaring bababa nang kaunti ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Kung hihinto ang giyera, maaaring magkaroon ng rolbak sa diesel na P90—P110 sa diesel at P71-82 sa gasolina kada litro.
Kung mananatili ang digmaan sa 60-90 araw, maaari umanong manatili sa presyong P130-P170 ang diesel habang P88-P125 ang gasolina.
Kung lalala naman ang digmaan sa 90-180 araw at magsasara ang Strait of Hormuz, maaaring tataas sa P185-P230 ang diesel at P140-P175 ang gasolina dahil maaaring tataas sa $180-P220 ang presyo ng bawat bariles.
PAANO NGAYON?
Kalilipas lang ang 24 oras makaraan ang tigil-putukan pero, anak ng tokwa, tila hindi tumitigil ang digmaan.
Kabobomba lang kahapon at patuloy na binobomba ng Israel ang Lebanon upang durugin ang Hezbollah na kakampi ng Iran.
Ayon sa pamahalaang Lebanon, nasa 200 Lebanese na ang namatay habang libo-libo ang nasugatan sa pinakawalang 160 bomba ng 40 eroplanong Israel.
Katwiran ng Israel, hindi kasali Lebanon sa tigil-putukan.
Isinasabay ng Israel ang pagbomba rin sa ilang bahagi ng Iran gaya ng Natanz nuclear plant.
Bilang ganti, lumalaban din ang Hezbollah at mini-missile at dino-drone ngayon ng Iran ang Israel.
Dahil hindi natutupad ang kahilingan ng Iran na umalis ang mga base militar ng US sa Gitnang Silangan bilang kondisyon sa tigil-putukan, binobomba rin ng Iran ang Kuwait at Qatar na roon nakatayo pa rin ang ilang US military base.
Minissile at dinrone din ng Iran ang east-west pipeline ng Saudi Arabia na daluyan ng langis ng Saudi Arabia patungong Red Sea upang maiwasan ang paggamit nito ng Strait of Hormuz sa paglalabas ng krudo patungong ibang bansa.
Dahil dito, ang saglit na pagluluwag ng Strait of Hormuz kahapon ay muling binawi ng Iran at maliban sa lahat ng oil tankers na hawak ng China, Iraq, France, India at iba pa.
At dahil napagkaisahan na umano ng Iran, Oman, Qatar at Oman na hindi na US dollar kundi Chinese Yuan o perang China ang gagamitin sa toll ng mga barko na daraan sa Strait of Hormuz, galit na ulit umano ang US at nais nitong ipagpatuloy ang pagdurog sa Iran.
Paano ngayon ang mga pangyayaring ito na tila hindi lang magpapasiklab muli kundi magpalala sa digmaan?
INDUSTRIYA NG LANGIS HAWAKAN
Kung iiisipin, hindi lang naman ang digmaan ang mapagpasya sa presyo ng langis, maging sa suplay.
‘Yun bang === pupwedeng hawakan muna ng gobyerno ang industriya ng langis at hindi ipaubaya lahat sa mga kompanya ng langis ang pagpepresyo at pagkontorl sa suplay sa pamamagitan ng pagbuwag o pagsuspinde sa Oil Deregulatin Law o pagsuspinde sa excise tax at value added tax sa langis.
Tila kasi nagsasamantala ang mga kompanya ng langis sa krisis para kumita nang todo-todo.






