Home OPINION US, PAANO KAYA SINGILIN SA OIL CRISIS?

US, PAANO KAYA SINGILIN SA OIL CRISIS?

123
0

TILA tama ang sinasabi ng Department of Energy na hindi na babalik pa ang presyo ng langis tulad noon.

Ang pangunahing dahilan ngunit maaaring hindi kinokonsidera ng DOE?

Walang iba kundi ang krisis na nilikha ng United States at Israel na may layong angkinin ang langis ng Iran at kontrolin nang tuloy-tuloy ang langis sa buong Gitnang Silangan para sa kanilang pansariling interes.

Matatandaang idineklara ni US President Trump na sasakupin nito ang Kharg Island na pinagmumulan ng 97% ng oil export ng Iran na pangatlo sa may pinakamalaking deposito ng langis sa mundo at ang liquified natural gas sa South Pars ng Iran na siyang pinakamalaki sa Gitnang Silangan.

Nilikha ng krisis ang ngayo’y usapan ng Iran at Oman na lahat ng ibang barkong papasok sa Persian Gulf at maglalabas ng langis sa mga bansang Iran, Iraq, Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates at Saudi Arabia sa pamamagitan ng Strait of Hormuz ay kailangan nang magbayad ng toll na hanggang $2 milyon bawat isa para sa reconstruction ng Iran na labis na napinsala ng US at Iran.

Tiyak na madadagdag ang toll sa langis na dati-rati ay wala kung hindi giniyera ng US at Israel ang Iran.

Maaaring abutin naman umano ng 6-1 taon ang repair ng mga pasilidad ng langis na nasira dahil sa digmaan na nagbubunga ng kakapusan ng suplay ng langis sa mundo na dahilan din ng pagmamahal ng langis.

Kaya naman, huwag na tayong umasa sa Pilipinas na muling bababa sa P60-P64 ang presyo ng diesel kada litro na ngayo’y P170, gayundin ang nagmahal na ring gasolina, kerosene at liquified petroleum gas.

Kung bababa man ang presyo sa paghinto ng digmaan, hindi na tulad ng dati.

Kaya, maghanda at mag-adjust na ang lahat para rito.

Paano kaya natin singilin ang US at Israel sa kanilang maling gawa?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here