MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Agosto, ayon sa Department of Energy (DOE).
Posibleng rollback sa Martes, Agosto 4:
–Diesel: -P0.60 kada litro
–Gasolina: -P0.73 kada litro
–Kerosene: -P2.09 kada litro
Ayon sa DOE, bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ihayag ni US President Donald Trump na magkakaroon ng panibagong pag-uusap sa Iran upang wakasan ang tensyon sa Middle East at muling buksan ang Strait of Hormuz. RNT/MDS