Home ENTERTAINMENT Romnick, bumanat, sinabing ‘inutil’ ang gobyerno!

Romnick, bumanat, sinabing ‘inutil’ ang gobyerno!

138
0

Manila, Philippines – Nagpatikim na naman ng bira si Romnick Sarmento sa gobyerno partikular kung paano nitong tinutugunan ang kinahakaharap na krisis ng bansa.

The actor took to X his grievance toward a government whose officials seem to be more concerned with how much they generate sa halip na isipin ang kapakanan ng bayan.

Tulad ng alam ng lahat, pandaigdig o global nating hinaharap ang oil crisis.

Ito ngayon ang nagpapadapa sa atin.

Ani Romnick: “It’s atrocious that the government is more concerned about losing revenues than helping the very citizenry they are supposed to serve.

“That message simply says ‘kami ang mawawalan.’ So dapat talaga kami ang mahirapan para sa inyo?

“Mga inutil. Oo, sinabi ko!”

Marami naman ang nag-agree sa aktor, kung paanong may mga sumalungat din sa kanyang tinuran.

“Ganyan pag ang namumuno, hindi kailanman dumanas ng paghihirap!”

“Ayuda para sa gobyerno? Parusa at sakripisyo sa tao?”

“Paano ka makakatulong sa citizens kung wala kang revenues? Mag-isip ka nga bago ka dumaldal!”

“Maayado na silang nakinabang sa

pangungurakot, kaya it’s about time for the Filipinos to be more demanding of what they can do!”

“Gatasan na lang kasi tayo ng karamihang mga pulitiko, wala talaga silang pakialam sa tao. Kaya pumasok sa pulitika o gobyerno ay para magnakaw!”

“Takot silang mawalan ng revenues so they decide na pahirapan na lang ang mga mamamayan..okey lang ba silaaa?” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here