Home ENTERTAINMENT Yorme Isko, nagpaulan ng mura sa 2 holdaper!

Yorme Isko, nagpaulan ng mura sa 2 holdaper!

105
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

Manila, Philippines – Nagpakatotoo lang si Manila City Mayor Isko Moreno nang lumabas ang “pagka-batang Tondo” niya sa galit.

Nakapagbitiw kasi ng malutong na “Bwakang ***” si Yorme sa dalawang holdaper na nambiktima ng isang babaeng rider sa Tondo.

Naganap ang insidente sa Road 10.

Doon ninakawan ng cellphone ang kaawa-awang babae, pati na ang pera nitong nakalaan sana sa mga household expenses.

Ipinrisinta ang dalawang suspek sa publiko kinabukasan.

Sa matinding galit ni Isko, nagdayalog ito ng: “Tingnan n’yo ‘yung ginawa n’yo…bwakang ***

n’yo!”

Mas lalong nag-init at napamura pa si Isko nang itanggi ng mga suspek ang kanilang ginawa: “Tang ***mo, sinungaling kaming lahat ngayon?!”

Tinangka pa daw saksakin ng dalawang suspek ang biktima, na lalong nagpakulo ng dugo ni Isko: “Putang ***n’yo, sasaksakin n’yo pa

‘yung babae…nakakapanginig kayo ng laman!”

Isko urged the victim to pursue appropriate charges against the two suspects para hindi na

makapangbiktima ang mga ito.

Good job, Isko! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here