Manila, Philippines – Dekada nobenta ang kasagsagan ng kasikatan ni Romnick Sarmenta.
Pero mismong ang aktor na rin ang umaming ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap maging sikat.
Having begun his showbiz career at the age of 4, aware si Romnick na ine-enjoy lang niya ang kanyang ginawa.
Kumbaga, nag-e-enjoy na siya’y nakakatulong pa siya sa kanyang pamilya dahil hindi naman daw siya anak-mayaman.
As years passed by, inilagay na raw ni Romnick sa kanyang isip na mabilis ang turnover sa mundong pinili niya.
Lagi niyang tinandaan na may darating daw na “mas” –mas guwapo, mas matangkad, mas bata, mas tisoy, mas mahusay, etc.
At dahil dito, mapupunta sa sidelines ang mga naunang sumikat.
Never-ending cycle daw ‘yon, at mulat ang kanyang puso’t kaisipan sa realidad na ‘yon.
“Kung sumikat ka o naabot mo na ang itaas, dapat handa ka rin tanggapin na bumababa ka na,” praktikal niyang payo lalo na sa mga kabataang artista basking in their current fame.
When not busy with showbiz work, nakatutok si Romnick sa kanyang propesyon bilang professor sa University of Trinity Asia where he teaches broadcast communication. Ronnie Carrasco III