Home NATIONWIDE Roque kay PBBM: Medical bulletin kaysa jumping jack; Malakanyang pumalag

Roque kay PBBM: Medical bulletin kaysa jumping jack; Malakanyang pumalag

123
0

MANILA, Philippines – NIRESBAKAN ng Malakanyang ang patutsada ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa ginawang pag-jumping jacks, pag-jogging, at puno ng enerhiyang pagharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps bago niya isinagawa ang kanyang press conference sa New Executive Building (NEB), Malacañang.

Ang sinabi kasi ni Roque ay, “Mas mabuting mag-release ng medical bulletin kaysa patakbo-takbo ng ilang metro.”

“Para po sa Pangulo, gusto lamang niyang ipakita sa mga nagmamahal sa kaniya at sa taumbayan kung ano ba talaga ang kaniyang health condition. Ito po ay para maisantabi ang mga kasinungalingan na ngayon ay nagsi-circulate laban sa kaniya,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“Ang pagtakbo po ay hindi masama. Mas maganda po na tumakbo ng ilang metro kaysa tumakbo sa kamay ng batas,” diin ni Castro.

“At tandaan po natin, kahit naman po noong nakaraang Pangulo, ilang linggo siyang nawawala, pero ano ang sinabi ng kaniyang mga alipores at alagad? Ito po, nandiyan po si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella. Ang sabi, ‘As far as I can see, there’s really no need to do that,’ release Duterte’s health records. Kahit na po itong si Harry Roque, ang sinabi po niya, ‘I don’t think the people should worry about lack of transparency because the President himself will say what his condition is,’” litaniya ni Castro.

“So, nakita na po natin kung ano ang kundisyon ng Pangulo. Kayo po mismo ang saksi sa ganitong mga paninira na nanggagaling lamang sa kampo ng nais na pabagsakin ang Pangulo. Sila po ay mapanira lamang at walang magawa sa buhay,” aniya pa rin. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here