Manila, Philippines – Sa mga tatakbong konsehala ng district one ng Tondo, Manila ay matunog ang social media personality at negosyante na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o Rosmar.
Ilang days after filing her candidacy ay panay ang ikot ni Rosmar sa Tondo pero lately ay hindi na siya visible particularly sa district kung saan siya tatakbo, huh!
Hinahanap siya bg nga tao lalo na yung mga nangangailangan ng tulong medical o pinansiyal.
Kilala kasi siyang tumutulong, huh!
Pero ang problema ay hindi raw mahagilap ngayon si Rosmar at hindi rin naman knows ng mga tao kung saan siya pupuntahan, huh!
Matatandaang last election ay sa Sampaloc area tumakbo si Rosmar and ‘Luz Valdez’ o natalo siya bilang konsehal.
Tatakbong independent si Rosmar na naging matunog ang pangalan months ago pero sana ay isa siya sa anim na papasok sa survey, huh!
Mas pinagkakaabalahan pa yata ni Rosmar ang pag-iikot sa Bulacan at sa iba pang lugar kaysa sa Tondo kung saan marami ang naghahanap sa kanya, huh!
Pero ang latest na balita ay dalawang buwang buntis daw ang negosyante, huh!
At kailangan daw niya munang magpahinga kahit nasa maayos siyang kalagayan pati na ang baby sa kanyang sinapupunan.
Nag-spotting kasi si Rosmar kamakailan lang at itinakbo sa emergency room ng ospital, huh!
“Regarding sa post ko na nagpunta ako sa ER. Nagulat ako na nagtrending na naman. Di lang siguro clear ang post ko kaya namisinterpret na naman ng iba,” saad ni Rosmar sa post niya.
“Mismong ospital ang nagsabi na pwede lang magpaultrasound kung magpapa ER ako,” dagdag pa niya.
Ayon pa rin kay Rosmar, siya raw mismo ang nag-request na magpa-ultra sound.
“Kaya ako nagpa ultrasound nung araw na yun dahil may ‘spotting’ ako at buntis ako. Kahit sino naman sigurong nanay o buntis kung may spotting dederetso agad ng ER at gusto makita kung safe ang baby sa tyan at kakabahan lalo na kung 1st trimester and that day ko lang din nakita na may baby na at may heartbeat na,” banggit pa rin niya.
Sa isa pang post ni Rosmar ay ipinakita niya ang resulta ng ultrasound sa kanya na nasa maayos na kondisyon ang anak nila ng asawang si Jerome Pamulaklakin.
“I Love You baby bunso. Buti nalang malakas si mommy at di para magpa apekto sa mga taong malulungkot ang buhay. Bubuo tayo ng masaya at kumpletong pamilya,” lahad pa rin ni Rosmar. Jimi Escala