Manila, Philippines – Nagpasabi na ang kampo nina Vilma Santos at Vice Ganda na hindi makakadalo ang mga bida ng kanilang respective MMFF entries sa Manila International Film Festival na idaraos sa Amerika.
Nitong January 14 natapos ang entire local run ng 10 official entries ng ika-50 taon ng MMFF.
Inaasahan kasi na in attendance sina Vilma at Vice Ganda lalo’t they headlined Uninvited and And The Winner Is, respectively.
Walang binanggit na dahilan ang parehong kampo for their MIFF absence.
Ayon naman sa ilan, understandable ang ‘di pagsipot ni Vilma dahil sa February 12, pormal nang magsisimula ang election period.
In the running sa gubernatorial race sa Batangas province si Vilma whose running mate is her son Luis Manzano.
Tumatakbo naman sa 6th district ng nasabing lalawigan si Ryan Christian Recto bilang Congressman.
Expectedly, Ate Vi will be busy during the initial phase of the election frenzy lalo’t inaalalayan pa niya ang kanyang dalawang anak na parehong first-timers sa larangan ng pulitika.
As for Vice Ganda, inaasahang magiging abala rin ito sa pag-eendorso ng party list.
Maugong kasi ang balitang may tsansang manalo sina Vilma at Uninvited co-star na si Aga Muhlach bilang Best Actress at Best Actor, respectively, sa MiFF.
Matatandaang ang mga nagwagi sa nasabing kategorya sa MMFF Gabi ng Parangal ay sina Judy Ann Santos at Dennis Trillo. Ronnie Carrasco III