Home NATIONWIDE ROTC bill prayoridad sa Senado

ROTC bill prayoridad sa Senado

MANILA, Philippines – Isasaprayoridad ng Senado ang Senate Bill (SB) No. 2034, o ang proposed Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act, sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre, sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino nitong Lunes, Setyembre 30.

Ito ang pagsisiguro ni Tolentino matapos na aprubahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pinakahuling Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.

“With the President’s go signal, the ROTC bill has been moved to Tier 1 from Tier 2 in the list of the LEDAC – making it a top priority. So, when the session resumes, we expect to discuss it right away,” saad sa pahayag ni Tolentino.

Aniya, ikokonsidera naman ang haba at curriculum ng programa, kabilang ang mga subject sa climate change, disaster preparedness, at sibika.

Inaalam na ni Tolentino ang mga pamamaraan para sa mga maliliit na kolehiyo na mag-aalok ng ROTC sa pamamagitan ng resource pooling.

“We can make the first year the basic course, followed by advanced training in the second year. For those who wish to specialize further, we can introduce an Executive ROTC curriculum,” paliwanag pa ng senador.

Ani Tolentino, ang lumagong partisipasyon sa ROTC Games at pinataas na interes ng mga babaeng kadete ay nagpapakita ng positibong pagpapalit ng pananaw ng publiko tungkol dito.

Naniniwala si Tolentino na mapalalakas ng ROTC ang ‘patriotism’ sa mga kabataan. RNT/JGC