Home NATIONWIDE System upgrade ng CAAP, matagumpay

System upgrade ng CAAP, matagumpay

MANILA, Philippines – Matagumpay na nakumpleto ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-upgrade nito sa air traffic management system.

“There were no flights delayed/affected during software update from 12:30 a.m. to 3:00 a.m.,” mensahe ni CAAP spokesperson Eric Apolonio.

Sa news release, sinabi ng CAAP na nagbalik na sa normal ang operasyon ng lahat ng Paliparan nitong 3:01 ng madaling araw, at inalis na rin ang temporary flow control measures pagsapit ng 3:05 ng umaga.

Ang pag-upgrade ng Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system ay nakumpleto 2:47 a.m.

“Throughout the upgrade, (CAAP) effectively managed air traffic during a critical system upgrade of its CNS/ATM system, as international overflights safely traversed the Philippine Flight Information Region under procedural control provided by the Manila Area Control Center. All departures and arrivals nationwide were efficiently managed, ensuring that flights reached their destinations safely and on time,” saad sa pahayag ng CAAP.

Layon ng CNS/ATM na bigyan ang mga eroplano ng accurate na lokasyon para sa mga takeoff, landing at air traffic control.

Kabilang sa upgrade ang paglalagay at paglulunsad ng updated ATM system software.

Nauna nang sinabi ng CAAP na magreresulta ang upgrade sa mas episyenteng air traffic operations, pinababang delay, at mas maayos na karanasan sa mga airlines at mga pasahero. RNT/JGC