Home ENTERTAINMENT RR, aminadong mangaagaw ng jowa!

RR, aminadong mangaagaw ng jowa!

Manila, Philippines- Sa guesting ni RR Enriquez sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niya na hindi siya selosang tao pero talagang inaaway niya ang mga babaeng lumalandi at nakikipag-flirt sa kanyang asawang cager na si Jayjay Helterbrand.

Ayon pa kay RR, talaga raw playboy noon ang kanyang mister at kasabay ng rebelasyong inagaw niya ang basketball player sa dati nitong girlfriend.

“Kasi si Jayjay, aminado naman siya na playboy po talaga siya. Before niya ako naging girlfriend mayroon po siyang girlfriend po talaga. So we were a thing,” sey ni RR.

At kahit daw magkarelasyon na sila ay may pagkakataon pa ring nag-cheat si Jayjay kaya nasabi ni RR na iyon na raw ang kanyang karma sa pang-aahas na ginawa niya.

Pero bilang palaban at wala ring inuurungan, hindi pinalampas ni RR ang mga babaeng nagme-message at nagpaparamdam kay Jayjay.

“Marami akong na-message na mga babae. Talagang inaaway ko parang nag-e-enjoy ako. Hahahaha!” aniya pa.

Pero napakalaki raw ng naging pagbabago sa ugali at pananaw sa buhay ng kanyang asawa nang mapalapit ito sa Diyos.

“‘Yung first two years namin Tito Boy medyo rocky ‘yung relationship namin. Tapos naging Christian si Jayjay. Kaya nagtagal kami ng 15 years kasi sobrang tumino naman. Hindi nangbababae,” pagbabahagi ni RR.

“Ako naman ‘yung parang naghahanap ng kaaway!” ang natatawa pang hirit ng socmed personality.

Marami rin daw ang nagbago sa kanya nang maging Kristiyano siya at ito rin daw ang naging daan para maisip niyang humingi ng sorry sa dating girlfriend ni Jayjay.

In fact, okay na okay at friends na sila ngayon ng ex ni Jayjay, “Yes, I apologize kasi siyempre bata, ‘di ba parang bata hindi ka nag-iisip.

“Naagawan kasi ako ng jowa dati Tito Boy. Kaya sabi ko, ‘Ah ganoon, ah? Agawan pala ng jowa ang mangyayari, ah.’

“So ganoon po ginagawa ko dati. Hindi ako proud pero ganoon po ‘yung thinking ko,” rebelasyon pa ni RR. Rommel Placente