Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, ‘finu… you, bitch!’ ng asawa!

Rufa Mae, ‘finu… you, bitch!’ ng asawa!

California, USA – Panahon ba ngayon ng lantaran ng mga screen shots ng private messages?

Nakikiuso lang ba ang mag-asawang Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes?

Masasabing ang nagpasimuno nito ay si Jamela Villanueva, dating nobya ni Anthony Jennings.

Ibinisto niya ang private convo screen shots sa pagitan nina Maris at Anthony.

Now comes Trevor who did exactly the same.

Sa kanyang Instagram Stories naman niya inilantad ang private convo nila ng misis na si Rufa Mae.

Sa pakiwari nga’y ang ugat ng problema ng mag-asawa’y may kinalaman sa umano’y third party sa side ng sexy comedienne.

Pero marami naman ang nagsasabing hindi dapat mabahala si Trevor dahil bading ang ka-private convo ng kanyang misis.

Inilabas din ni Trevor ang umano’y paghingi ng financial support ni Rufa Mae para sa kanilang nag-iisang anak.

Pero sa halip na maging willing ito ay nakatikim pa si Rufa Mae ng: “F–ck you, bitch!” mula sa mister.

Sinagot naman ito ni Rufa Mae ng: “If you want me out of your life, don’t be mean to me!”

Matagal nang kumakalat ang tsismis na nagkakaproblema ang couple, but with Trevor’s exposing the screen shots of their private convo ay tila may patotoo.

Hintayin na lang nating magsalita mismo si Rufa Mae, but will she? Ronnie Carrasco III